Mang-gagawang Walang Kapalit

posted in: Literary

Kung ating balikan ang kapanahunan ng Dios na Dakila at Manlilikha,

Siya ay nagkatawang tao sa isang layuning dakila.

Sa piling ng mga taong sa Kanyang wangis ay nilikha,

nangaral, naghirap, nagpakaaba at naghimala.

Mailayo sa kapahamakan at madala sa buhay na walang hanggan.

 

Sa pag-akyat ni Hesus sa langit SIYA ay may tagubilin, Marcos 1:15 At sinasabi,

Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios:

kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.

Ang mga tagubiling ito’y ginampanan ng Kanyang mga disipolo,

sila’y nagpatuloy sa panga-ngaral tungkol kay HesuKristo.

Hindi alintana ang paghamak, pangungutya ng ibang tao,

maging ang uhaw, gutom at lakad nilang hindi alam ang layo.

Kanila lamang maibahagi ang tagubilin na may kasamang pangako.

 

Sa ating kapanahunan, sa mundong ibabaw na ating ginagalawan,

Ebanghelyo ni Kristo ay nagpapatuloy hindi napaparam sa sanlibutan.

Patuloy na inihahayag at dapat malaman ng sangkatauhan,

maging nang mga musmos, si Hesukristo ay dapat maibunyag.

              

Kaya sa mangga-gawa ng Dios, huwag manghina, Salita ay tupdin ‘wag manghinawa.

Ikaw may huhusgahan, tatawanan, kukutyain, at minsan pa nga’y di papansinin,

ngunit patuloy lang magpakumbaba sa mga taong iyong hinahayuan.

Alalahaning maging si  HesuKristo, at mga disipolo  sila man ay nakaranas din nang ganito.

 

Kaluluwang   nagbabalik loob ang kasiyahang walang patid,

maging ang laksa-laksang anghel ay nagdiriwang sa langit.

Kaya magpatuloy sa paghahayo, manga-gawa ng Dios ng walang kapalit!

Pangakong biyaya’y sa iyo’y hindi Niya ipagkakait.

Magpatuloy hanggang kamtan ang tunay na pagpapala,

doon sa kaharian ng langit, kasama Niya.

 

Ang lahat ng kapurihan at pasasalamat ay sa Panginoong Hesus lamang!

Follow Joan Dionisio:
Latest posts from