“Sino Ba Ako Sa Inyo?”

posted in: Literary

I

Sino ba Ako sa inyo? Tanong ni Hesus sa kanyang disipulo,

Gayon din sa madla, saan mang sulok ng mundo.

Tunay nga bang kilala natin Siya o narinig lamang sa kuro-kuro,

Saliksikin ang Bibliya ng malaman ang totoo.

II

Sa isang punto ng ating buhay,

Nahaharap tayo sa isang katulad na tanong.

Sino nga ba si Hesus? Propeta o Guro?

Ang Anak ng Dios o Siya ba ang Kristo?

III

Sino nga ba si Hesus sa pagkaka alam mo?

Kilala mo lamang ba Siya, tuwing araw ng Pasko, Senakulo,

O di kaya’y kapag pista ng Nazareno,

Natitiyak ko yaan ang pagkaka-alam ng maraming tao.

IV

Sa tulad ko na isang makasalanan,

Puno ng batik at kapintasan.

Isang tupang ligaw, di alam ang patutunguhan,

Aking gabay patungo sa buhay ng kaliwanagan.

V

Ikaw ang tubig na siyang pumawi sa aking kauhawan,

Kauhawan sa kaalaman sa pagwaksi ng kasalanan.

Ikaw ang tubig na nagbibigay buhay,

Sa aking mundo na dating walang kulay.

VI

Ikaw ang bukod tanging nag-mahal at hindi nagduda,

Nanatili sa aking tabi, sa aking pag-iisa.

Aking sandigan sa panahon ng kapighatian,

Nagbigay ng pag-asa at katagumpayan sa tuwi tuwina.

VII

Ikaw ang daan, katotohanan at buhay,

Kasagutan sa lahat ng aking katanungan

Kaluwalhatian, Kadakilaan at Kabanalan ay tanging Sa’yo lamang

Ikaw ang Diyos, Noon, Ngayon at Kailanman.

 

Follow Edmund Velarde:
Staff Writer, The OPIF Digest
Latest posts from