Parang kahapon lamang, mga tao ay sama- sama
May kasiyahan, sayawan, awitan sa tuwina
Nguni’t sa isang kisap-mata,
Ang lahat ay may “social distancing” na
Ano ang nangyayari? Tanong ng balana
Covid-19 galing Tsina, bakit laganap na?
Laman ng balita, hindi na droga at artista
Dahil si Corona Virus, siya na ang bidang-bida
Lahat ay nagulantang sa bagsik nitong Corona
Dahil pag bara-bara, kamatayan ang hatid niya
“Lockdown, curfew 24/7” pawang ikinakasa
Upang si Virus, tuluyang maglaho na
Sa gitna ng kagulumihanan, napaisip, wari ay lito
At may katanungan, bakit nangyayari ang mga bagay na ito?
Subalit may kasagutan, saka lang napagtanto
May mahalagang mensahe ang pandemic na ito
Tao…tao! Oo, ikaw na tao!
Ang makapangyarihang Dios ay kumakausap sayo
Mga salita Niya ay siya ngang pakinggan mo
Bawat titik, bawat pantig, ito ay laan lamang sa iyo
Halika, lumapit ka, anak Kong nawala
Kasalanan mo ay pawang nilimot Ko na
Sabik Ako na mayakap ka
Sa tuwi-tuwina ay makapiling ka
Mga luha mo ay Aking papahirin
Bawat sakit, pagagalingin Ko rin
Ang pasanin mo ay kukunin Ko
Ligayang nais, ibibigay Ko sa iyo
Halika, lumapit ka, anak Kong nawala
Pakinggan ang tinig ng sa iyo ay kumakalinga
Ako ang Dios na hindi nagtatangi
Ikaw ay magsisi, kasalana’y iwaksi
Halika, lumapit ka anak Kong nawala
Acts 2:38, huwag mong isawalang bahala
Halika, habang may panahon pa
Upang sa pagbabalik Ko, ika’y aking makasama
Halika, anak Ko, halika!
-By: Sis. Joan Dionisio-