Ngayon Ang Panahon Ng Kaligtasan!

posted in: Literary

2 Corinto 6:2

Sapagkat sinabi ng Dios, “Dininig kita sa tamang panahon, at tinulungan kita sa araw ng kaligtasan.” Kaya makinig kayo! Ngayon na ang tamang panahon!

Ngayon na ang araw ng kaligtasan.

------------------

I

Lahat ng ating pagkakasala ang Panginoong Hesus ang nagbata, dinuraan,binugbog,pinahirapan ng mga Hudyong tuwang-tuwa.

Bago nalagutan ng hininga, sinabi ng Dios “Naganap na”,

inako ng Dios mga kasalanang tao ang may gawa.

II

Ang Dios ay puno ng pagmamhal, habag, awa at kalinga,

ang tao’y itinubos sa pamamagitan ng Kanyang banal na dugo.

Ngunit ang sangkatauhan lumihis sa magandang pangako,

Hindi alintana ang pag-ibig ng Dios na wagas at dakila.

III

Kung ating mapapansin ang kaguluhan ng mundong ito,

giyera, bagyo tag-gutom, at kasakiman na ang nasa isip ng mg tao.

Isang palatandaang sa pag-babalik ng Panginoong HesuKristo,

dili-dilihin bawat minuto’t mawawala din tayo sa mundong ito.

IV

Lahat ng may hininga panawagan ng Dios ay pakinggan,

lahat may pag-asa kung iyong buong pusong paniniwalaan.

Ikaw ay tinatawag upang dalhin tungo sa kaliwanagan,

upang makamit ang totoong kagalakan at kapayapaan.

V

Ito na ang panahon! Ito na ang oras upang ito’y iyong malaman,

tinatawag ka na ng Dios para sa iyong kaligtasan.

Ikaw ay magsisi, magpabautismo upang kasalanan ay mahugasan,

Ikaw ay may bagong buhay ito’y tunay mo ngang mararamdaman.

-------------------------------

Mga Gawa 2:38

At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

-------------------------------

Makinig ang may pandinig!!!

Huwag ng patumpik- tumpik!!!

Halika ka na habang may pag asa!!!

Tanggapin at sundin ang bautismo sa tubig!!!

Papasukin si HesuKrito sa buhay mo!!!

Tiyak ang KANYANG Pangako ay sa-sa-iyo!!!

Ang lahat ng kapurihan at pagdakila ay sa Panginoong Hesus lamang!!

Follow Joan Dionisio:
Latest posts from