PAG-IBIG KUNG SA DIYOS NAKAHANGO

posted in: Literary

 

Tiyak at wagas na pag-ibig, kay sarap damdamin,

salitang pagsuyo, ang sarap sambitin.

Lahat ng bagay tila, kayang kayang gawin,

Mapakita’t mapadama, ang tunay na layunin.

 

Pag-ibig na nadarama, ay sadyang kakaiba,

pagmulat ng mata sa umaga, Ikaw ang nais makita.

Hanggang sa paglubog ng araw,  ang nais ko sa tuwina,

makasama palagi, hanggang abutin ng umaga.

 

Pagsubok sa pag-ibig ay likas,

siguradong ikaw ay dadanas.

Sulirani’y darating, lilipas din naman bukas.

Tatagan ang sarili ang pagsubok ay aalpas,

magkasamang harapin,

para sa pang habambuhay na wakas.

 

Palaging gawin sentro, ang Diyos na totoo,

sa isip, sa puso, maging sa gawa mo.

Paniguradong relasyon mo’y titibay, at pag-gawa mo’y pulido,

Sapagkat ang pag-ibig mo’y, sa tunay na Diyos nakahango.