
Photo courtesy by Wes Hicks of Unsplash
Written by: Sis Joan Dionisio
Kung ating balikan Bibliya sa lumang tipan
May isang ina Eba ang kanyang pangalan
Siya'y bigay ng Dios, katuwang ni Adan
Sila'y nagtutulungan at nagmamahalan
Maging si Elisabet at pinsang si Maria
Mga inang pinagpapala ng Dios Ama
Bigay na mga supling sa sinapupunan nila
Ito'y inaruga, minahal punong-puno ng kalinga
Sa ating mga ina sa kasalukuyang panahon
Tayo'y dumadalangin sa ating Panginoon
Anak na hinahangad ito ay Kanyang tinugon
Bigay sa mag-asawang panalanging magkaroon
Siyam na buwan, supling sa sinapupunan
Hindi alintana hirap na nararamdaman
Galak at tuwa’y laging nasa puso't isipan
Pagmamahal, pag aruga agad itong ipinaramdam
Wow! Anong saya nang ang sanggol ay nasilayan
Sa dibdib ng ina nagdala ito ng lubos na kagalakan
Buhat buhat ang bata na nasa kanyang kanlungan
Hirap ng katawan ay biglang napaparam
Habang may hininga ang bawat isang ina
Pagibig at disiplina sa puso't laging dala-dala
Palakihin ang anak sa gabay ng Bibliya
Upang sa paglaki alam ang utos ng Dios Ama
Ikaw na nagbabasa isa kang dakilang ina
Ikaw na may takot sa Dios magalak sa tuwina
Ang iyong asawang lalaki pinagmamalaki ka
Ikaw ang inspirasyon sa buhay niya
Kawikaan 31:28-29
Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak.
Maraming babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila'y nakahihigit ka.
Mabuhay ang mga ina na sa Panginoong Hesus ay tumatalima!
Ang lahat ng Papuri ay sa Dios lamang!