Pag-asa Kay Hesus

posted in: Literary

Photo Courtesy: Shamma Shafyg on Unsplash

Kaibigan, kayo’y pinagtagpo

Inakalang pag-ibig na inalay ay tapat at totoo

Ngunit kinalaunan, di inaasahan mga pangako nya’y naglaho

Nilimot at iniwan bagamat lahat na’y binigay mo

 

Ngunit kaibigan lagi mong iisipin

May nagmamahal pa din

At aking ipinakikilala Syang lubos na nagmamahal sa akin

Buhay ko’y masalimuot nung una, ito’y Kanyang binago din

 

Kilala mo ba kung sino aking tinutukoy

Walang iba kundi ang Panginoong Hesus na Maylikha sa akin at sayo

Gusto kong malaman mo dahil sinasabi ng Bibliya ay totoo

Buhay Niya’y Kanyang inialay

Para ang kasalanan natin’y maparam at tayo’y maligtas sa kapahamakan

At sa ikatlong araw, sa Kanyang muling pagkabuhay

Buhay natin ay nagkaroon ng saysay

 

Kaya minsan pa kaibigan

Palambutin ang puso at ako’y iyong samahan

Alam kong hindi ka magsisisi, may oras pa para pag-anyaya’y pakinggan

Kung Kanyang Salita iyong susundin

Tiyak minimithing kaligtasan ng iyong kaluluwa ay makakamtan

 

Ang nais ko din sana ay iyong ipamalita

Ang Magandang Balita sa buong  mong pamilya

Sa mga kaibigan, kapit-bahay, katrabaho, at ka-eskwela

 

Sa pagkakataong ito, ang magbigay ng oras sa Dyos ay labis na mahalaga

Kaya ipinamamanhik kong iwaksi na mga bagay na wala namang halaga

 

Kasamaan sa mundo ay di na mapigil

Kaya sa Kanyang presensiya tayo ay manatili

Gantimpala ay tiyak para sa taong tumalikod sa dating buhay

Kaya dapat mong malaman na wala na tayong ibang dapat lapitan

Kundi ang Diyos na nakahandang magbigay ng buhay na walang hanggan